Sa pangunguna ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Art Tugade at Light Rail Transit Authority – LRT2 Administrator General Reynaldo Berroya, nag conduct ng inspeksyon ang Team DOTr sa DALAWANG BAGONG ISTASYON ng LRT-2 East Extension project, ngayon araw, ika-20 ng Mayo 2021.
Sakay ng LRT-2 train, sinimulan ni Sec. Art Tugade at Team DOTr ang inspeksyon, mula Santolan papunta sa bubuksang Marikina at Antipolo stations.
Una munang bumaba ang team sa Antipolo station, kung saan masusing tiningnan ni Sec. Art ang mga kaayusan at kahandaan ng pasilidad at mga equipment.
Matapos ang inspeksyon sa Antipolo station, tumuloy ang grupo sa Marikina station, kung saan ipinahayag ng ating Kalihim ang schedule ng opening ng nasabing dalawang stations.
“June 22 tatakbo na ang tren dito sa Antipolo at Marikina, dugtong sa LRT-2 Extension. Matagal na ‘hong inaantay yan ng ating mga kababayan. Ngayon nakita ko na matutuloy na at magiging operational ang ating tren,” masayang pahayag ni Sec. Tugade.
Oras na magsimula ang operasyon, nasa 40 minuto na lang ang inaasahan biyahe mula Recto hanggang Antipolo, kumpara sa dating tatlong-oras (3 hours) na biyahe nito sakay ng bus at jeepney.
Tinatayang nasa 80,000 KARAGDAGANG pasahero ang kayang i-accomodate nito kada araw para sa kabuuang linya ng LRT-2, at mula sa dating 240,000 passengers ay aabot na sa 320,000 passengers ang kaya na maserbisyuhan.
Ang LRT-2 East Extension project ay isang malaking bahagi ng malawakang “BUILD, BUILD, BUILD” infrastructure program ng Duterte Administration, na pinursigi ni Sec. Art Tugade, alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gawin kumportable at kumbinyente ang biyahe ng ating mga kababayang Pilipino.
Kasama sa inspeksyon ang mga officials ng DOTr na sina Undersecretary for Railways Timothy John Batan, Chief of Staff and Assistant Secretary for Procurement and Project Implementation Giovanni Lopez, Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Hope Libiran, at si Metro Rail Transit 3 (MRT-3) OIC General Manager Asec Eymard Eje.
Source: Department of Transportation Official Facebook page. (@DOTrPH)