Kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day, hinirang na first place at second place winner ang isang babaeng empleyado ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa isinagawang Logo-Making Contest sa Line 2 Depot, Santolan, Pasig City noong Biyernes, March 8.
Nasungkit ni Eunice Jemm Manabat ng Knowledge Management and Information Technology Division (KMITD) ang first and second place na may premyong P5,000 at P2,000. Wagi sa ikatlong pwesto si Manuelito Monzon ng Concession Agreement Management Team- Station KPI Monitoring Division (CAMT-SKPIMD) na may premyong P1,000.
Habang nakatanggap naman ng certificate of appreciation ang mga empleyado na pasok sa top 10.
Humanga naman sina Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino at LRTA Administrator Atty Hernando Cabrera sa ipinamalas na galing at talento ng mga contestant sa logo-making contest.
“𝐁𝐢𝐥𝐢𝐛 𝐩𝐨 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐰𝐚𝐧𝐢 𝐧𝐠 𝐋𝐑𝐓𝐀 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 ‘𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐚𝐩𝐩𝐫𝐞𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐤𝐫𝐢𝐩𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐚𝐦𝐛𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐥𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐢𝐩𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐬 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐥𝐨𝐠𝐨 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐜𝐨𝐧𝐭𝐞𝐬𝐭 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐨,” 𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐤𝐚𝐲 𝐀𝐬𝐞𝐜 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨.
“𝐈𝐭𝐨 𝐩𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚-𝐜𝐨𝐧𝐭𝐞𝐬𝐭 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐰𝐚𝐧𝐢 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐠𝐚𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐠𝐨-𝐦𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐜𝐨𝐧𝐭𝐞𝐬𝐭 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐢𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐥𝐨 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐞𝐤𝐭𝐨𝐫 𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧. 𝐒𝐚𝐥𝐮𝐝𝐨 𝐩𝐨 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐭𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐰𝐚𝐧𝐢 𝐬𝐚 𝐋𝐑𝐓𝐀,” 𝐬𝐚𝐚𝐝 𝐧𝐢 𝐀𝐭𝐭𝐲 𝐂𝐚𝐛𝐫𝐞𝐫𝐚.
Ang logo-making contest ay inorganiza ng Gender and Development Focal Point System Committee bilang pagkilala sa mga kababaihan lalo na sa sektor ng transportasyon.